Ang masakit na katotohanan.
Alam ko naman at naniniwala ako na may dahilan at plano ang Diyos para sakin. Pero masakit din para sakin ang mga pagbabagong yun. Siguro nga hindi na ko gaya ng dati at mas sikat na sa ibang aspeto, pero ano kayang plano nya, at bakit hindi na ko gaya ng dati. Ang galing niya, pero dati naman natatalo ko siya. Nasan na kaya napunta ang mga kaalaman na meron ako dati? Hindi naman ako na-untog o nabagok pero bigla na lamang ito nawala. Ang masakit pa sa araw ng pagtatapos, makaka-akyat siya. Samantalang ako, mananatiling naka-upo. Nakatingin sa kanila, pati sa kanyang ina, na siguradong masayang masaya at buong tuwang maipagmamalaki ang anak niya. Sabi ng kaibigan ko, pwede naman daw hindi na pumunta don. Kaya lang nag-lalaro s aisipan ko, na isa iyon sa mga okasyon na dapat ay di ko makaligataan, sa aking buhay. Ngunit ayokong masaktan. Pero kailanganh ko na siguro tanggapin sa sarili ko ang katotohanan.