Posts

Showing posts from December, 2014

My babies! :)

Image
Dati kalaro ko lang sila, ngayon ang lalaki na! Cute nang mga baby girls ko! Meet Ching and Chai. :) Hihi. Nilalaro nila si lola.. Mga pacute na bata! :)

Happy Anniversary Tito and Tita!

Image
We prepared a small celebration for our Tito & Tita's 19th anniversary. (There's a FOREVER) R)

Out of Socks!

February 14, 2014. Friday. Nai-post na ang results sa MOCK Test. May halong pananabik at saya ang nararamdaman ko. Nagbabaka-sakaling makita ko ang pangalan ko sa Top 100 na highest sa English, Physics, Math, Social Studies at Filipino Nung tiningnan ko na ang results bigla akong nakaramdam ng lungkot, habang hinahanap ko ang pangalan ko. Halos inisa-isa ko na yung pangalan, pero wala talagang nakasulat na Gutierrez, Keren G. Bigla kong natandaan na huli na nga pala kami nakapag exam nun dahil, hindi ako mismo nakapasok nung araw na magma-MOCK exam. Pinuntahan ko ang nakasabay ko mag-exam, ang sabi niya hindi na raw na ipasa ang papel namin kaya wala talaga ang pangalan namin sa paskil. Nanghihinayang ak na ewan. Sana pala hindi na lang nila kami binigyan pa nang oras para mag-exam lalo pa't babalewalain lang. Na-kwento ko naman sa mga classmates ko na hindi ak nakapag exam sa mismong araw ng MOCK exam at tinanong nila kung ano daw ang dahilan kung bakit di ako pumasok. Sabi ko naw...

Isa,Dalawa,Tatlo....

Isa,Dalawa,Tatlo Keren G. Gutierrez Ilang minuto na lamang at sasapit na ang alas dose ng gabi. Mistulang mga paslit na iiwan ng kanilang magulang ang mga mamayan ng San Jose. Lahat sila ay takot na takot. Maaga pa lamang ay nagsara na sila ng kani-kanilang pintuan at bintana. Tila ba’y parang may masamang loob ang susunggab sa kanilang maliliit na tirahan kapag sasapit na ang alas dose ng gabi. Lahat ng pamilya ay halos takot na takot maliban na lamang sa dalawang mag-asawa na sina Josefina at Gregor. Nakasarado ang kanilang pinto, ngunit nanatiling nakabukas ang kanilang mga bintana. Marahil nais ni Gregor na madama ang malamig na simoy na hangin na nanggagaling sa dalampasigan. Napansin din ng mga kalapit bahay nila na nanatiling bukas ang lampara na nagmumula sa tahanan ng mag-asawa. Wari ang mga ito ay walang nararamdamang pangangamba, kahit na sumapit ang alas-dose ng hatinggabi. “ Tong-tong-tong ” ilang sandali at tumunog na ang dambana. Hudyat lamang na sumapit na...