Out of Socks!

February 14, 2014. Friday. Nai-post na ang results sa MOCK Test. May halong pananabik at saya ang nararamdaman ko. Nagbabaka-sakaling makita ko ang pangalan ko sa Top 100 na highest sa English, Physics, Math, Social Studies at Filipino Nung tiningnan ko na ang results bigla akong nakaramdam ng lungkot, habang hinahanap ko ang pangalan ko. Halos inisa-isa ko na yung pangalan, pero wala talagang nakasulat na Gutierrez, Keren G. Bigla kong natandaan na huli na nga pala kami nakapag exam nun dahil, hindi ako mismo nakapasok nung araw na magma-MOCK exam. Pinuntahan ko ang nakasabay ko mag-exam, ang sabi niya hindi na raw na ipasa ang papel namin kaya wala talaga ang pangalan namin sa paskil. Nanghihinayang ak na ewan. Sana pala hindi na lang nila kami binigyan pa nang oras para mag-exam lalo pa't babalewalain lang. Na-kwento ko naman sa mga classmates ko na hindi ak nakapag exam sa mismong araw ng MOCK exam at tinanong nila kung ano daw ang dahilan kung bakit di ako pumasok. Sabi ko nawalan ako ng maisusuot na MEDYAS. Sabay nagtawanan sila. Kung iisipin nga naman nakakatawa talaga, Pero sa akin isa na itong ARAL. Na ang maliliit na bagay ay tunay nakaka-apekto sa takbo ng buhay mo. Isa na rin siguro itong aral para sa akin, na matutng maglaba ng MEDYAS ARAW-ARAW..

Comments

Popular posts from this blog

To my 20 year old self

Bangkok, Thailand: My First Solo Travel