Isa,Dalawa,Tatlo....

Isa,Dalawa,Tatlo
Keren G. Gutierrez



Ilang minuto na lamang at sasapit na ang alas dose ng gabi. Mistulang mga paslit na iiwan ng kanilang magulang ang mga mamayan ng San Jose. Lahat sila ay takot na takot.
Maaga pa lamang ay nagsara na sila ng kani-kanilang pintuan at bintana. Tila ba’y parang may masamang loob ang susunggab sa kanilang maliliit na tirahan kapag sasapit na ang alas dose ng gabi. Lahat ng pamilya ay halos takot na takot maliban na lamang sa dalawang mag-asawa na sina Josefina at Gregor. Nakasarado ang kanilang pinto, ngunit nanatiling nakabukas ang kanilang mga bintana. Marahil nais ni Gregor na madama ang malamig na simoy na hangin na nanggagaling sa dalampasigan. Napansin din ng mga kalapit bahay nila na nanatiling bukas ang lampara na nagmumula sa tahanan ng mag-asawa. Wari ang mga ito ay walang nararamdamang pangangamba, kahit na sumapit ang alas-dose ng hatinggabi.
Tong-tong-tong” ilang sandali at tumunog na ang dambana. Hudyat lamang na sumapit na ang alas-dose ng gabi. Halos karamiha’y nahimbing na sa pagkakatulog. Ang buong paligid ay tahimik,walang ingay,maliban na lamang sa tahanan ng dalawang mag-asawa. Wari may mga maririnig kang mga bulong. Mahihina at hindi mabatid kung ano ang isinasambit. Hanggang, isang napakalakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng barrio. “Aaaaaghhh!!!!!!! No me toque usted el muchacho inútil!!!!!! Voy a matarte!!!!!!! Hahahahahaha” Sinabayan naman ito ng malalakas na dasal na isinasambit din sa wikang espanyol. “Padre nuestro que estás en los cielos, santificado sea tu nombre, venga tu reyno, hagase tu voluntad,asì en la tierra como en el cielo.Danos hoy nuestro pan cotidiano,Y perdónanos nuestras deudas,asì como nosotros perdonamos á nuestros deudores.Y no nos metas en tentación,mas líbranos de mal.Amén.” Paulit-ulit na sinasambit ang panalangin. Ngunit ito ay nadadaig ng malakas na halakhak at iyakan.Tila walang naririnig na ingay ang mga kalapit-bahay. Halos ganito ang kanilang ginagawa nila parati. Nagbibingi-bingihan kung gabi at kung umaga nama’y parang puwet ng manok na putak ng putak sa mag-asawa. “Ayan! Tingnan niyo ang nangyayari sa inyo! Hindi ka kasi naniniwala sa mga Engkanto! Kaya tingnan mo ang nangyayari sa iyong asawa, sinasapian ng mga duwende, kung minsan pa’y kapre at kung anu-ano pang mga elementong hindi nakikita ng ating mga mata. Mamaya kayo pa ang magkalat ng kababalaghan dito sa ating barrio.!
ang tugon ni Aling Marta. “Hay naku Gregor! Kung ako sa iyo, ako ay tatawag na ng magaling na albularyo. May kilala akong mahusay sa pagtatanggal ng mga sapi, si… Si Ka-Nestor. Ay, iyon ay kilala pati na rin sa ibang bayan. Marami na kasing napaalis na mga engkanto yun.” Ang wika ni Manong Tomas. “Hayaan mo ay, samahan ka naming pumaroon bukas.” Dagdag pa niya. “Bakit pa po natin ipagpapabukas, kung maari naman ngayon na lamang tayo tumungo roon.?” ani ni Gregor. Dali dali nga silang humayo sa lugar na tinitirahan ni Ka-Nestor.
Ano ang pakay niyo dito?” sabi ni Ka-Nestor. “Gusto po naming humingi ng tulong, ang kanya po kasing asawa ay pinapasukan ng kung anu-anong mga engkanto ay.” Ang tugon ni Manong Tomas. “Tara at pumasok kayo” wika naman ni Ka-Nestor. Sila ay pumasok na sa mumunting tahanan ni Ka-Nestor. May kasikipan, lakip na din ang mga gamit niyang nakakalat at mga santong halatang may kalumaan na. “Sa iyong palagay, kelan nag-umpisa saniban ang asawa mo?” ani ni Ka-Nestor. “Sa akin pong palagay yun ay nagsimula, noong kami ay hindi magkaroon ng anak. Halos mag tatatlo na sana ang aming mga supling, ngunit sa kasamaang palad ay lagi siyang kinukunan.” Wika ni Gregor. “Hijo, sinasaniban ang asawa mo, anong kinalaman ng sanib sa kunan?. O eto, painomin mo sa kanya yan ah, mamayang gabi. Mabisa yan pantagal sa mga espiritu” wika ni Ka-Nestor sabay bigay ang boteng may laman na berdeng kulay na wari ay pinagsama-samang mga dahong gamot. “Sampung pilak ang katumbas ng isang bote.” Dagdag pa niya. “Sige ho, bigyan niyo po ako n g limang bote.” Tugon ni Gregor. Pagkatapos ay humayo na sila at ang mga kasamahan niya. Ilang sandali lamang ay nakarating na si Gregor sa kanilang tirahan.
 “Mahal,meron akong nais ipabatid sa iyo. Pumunta kami sa isang albularyo kanina, marahil eto na ata ang solusyon sa iyong karamdaman. Eto inumin mo, baka sakaling umepekto yan sa iyo.” Wika ni Nestor sabay abot ng Bote kay Josefina. “Mahal,nag-sayang ka pa nang lakas at salapi. Ayos lang ako, marahil onting dasal lang ay gagaling din ako.” Tugon ni Josefina. “Alam mo naman kung gaano kita kamahal, at ayokong nakikita kang nahihirapan. Mas gugustuhin ko pang ako na lamang ang nagkaroon ng karamdaman basta’t huwag lang ikaw.” Sabi ni Gregor. “Eto, may ireregalo ako sa iyo. Binurda ko iyan para sa iyo mahal.” Dagdag pa niya. Isang telang may mga burda ang binigay ni Gregor sa kanyang asawa. Napakaganda nito, at wari kakaiba ang pagkaburda. Mahahalatang dugo’t pawis ang inalay para lamang matapos iyon. Nag-aral pa kasi si Gregor ng pagbuburda sa ibang bayan. Siya ay galing sa mayamang pamilya, ang kaniyang ama’t ina ay parehong mga kastila. Kaya naman napakakisig talaga ni Gregor. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga dilag, ngunit iisa lamang ang nagpatibok sa kanyang puso, at iyon  na nga sa Josefina. Mula sa hindi marangyang pamilya si Josefina. Noong bata pa lamang siya ay namatay na ang kaniyang ina, at ang kanyang ama nama’y hindi na nakita mula nang mamatay ang kaniyang ina. Sa kadahilanang ito ay nagsikap sa buhay si Josefina hanggang sa nakilala niya si Gregor.
Magaalas-dose na. Marahil ang lahat ay nakadarama na ng pagkatakot. “Mahal, marahil ay hindi ka pa tinatablan ng iyong karamdaman. Mukhang mabisa ang binigay na gamot sa akin ni Ka-Nestor.” Aniya. Sumapit na ang alas-dose ng gabi. Tumunog na nga ang dambana at tila hindi na sinapian sa Josefina. Tuwang-tuwa naman ang mag-asawa sa nangyari. “Mahal, pupunta lamang ako sa kwarto, at may kukunin ako.” Sabi ni Josefina. Ilang sandali pa ay may narinig na sigaw si Gregor mula sa kwarto. Kakaibang boses at nagngangalit. “AAAAAGGGHHH! Hindi niyo ko kaya!!!!!”sabi ng kakaibang boses Mahal? Anong problema???” sabi ni Gregor. “Mahal tulungan mo ko, buksan mo itong pinto” tugon ni Josefina. “Baka ikaw ay manakit mahal.Hindi ko mabubuksan itong pinto” dagdag pa ni Gregor. “Isa… dalawa….tatlo…… Isa……..dalawa……tatlo……..ISA,DALAWA,TATLO…” kakaibang boses ang nagmumula sa kwarto. Tila isang duwende ang nagsasalita at hindi tao. Malakas na naitulak ni Josefina ang pinto. Si Gregor naman ay tumilamsik sa lakas ng pagkakatulak. Kakaiba ang itsura ni Josefina. Nakakatakot. Napakaputla at patang-pata at nakatirik ang mata. Makikita din ang gamot na naisuka niya sa kanyang bibig. Marahil ay hindi umepekto ang gamot ni bingiay ni Ka-Nestor. Nakatitig ng masama si Josefina kay Gregor. Parang ibang tao na si Josefina, parang hindi siya ang pinakasalan ni Gregor dati. Susunggaban na sana si Gregor ni Josefina, nang biglang bumukas ang pinto nila, at lumabas si ka-Nestor. “Ka-Nestor tulungan niyo po ako, napakalakas ni Josefina. Hindi ko siya kaya…” pagmamakaawa ni Gregor. Hiamnpas naman ng latigo ni Ka-Nestor si Josefina. Napakalakas, at talaga namang nakakapanghina. Naitali nila si Josefina, at sinimulang dasalan ni ka-Nestor. Ngunit walang epekto. Mukha pa ngang lalong lumalakas si Josefina. At onti na lamang ay mapipigtas na ang tali sa kamay ni Josefina.
“Isa na lamang ang natititrang pwede nating gawin.” Sabi ni Ka-Nestor “Ano po iyon?” dugtong ni Gregor. “Kailangan na nating patayin si Josefina!” bulalas ni Ka-Nestor. “Anong kahibangan yan? Hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari!” sabi ni Gregor. “Ngunit hindi ka ba naawa sa iyong asawa? Tingnan mo! Hirap na hirap na siya. Ang tanging solusyon lang upang matapos ito, ay mag alay ng buhay.” Sabi ni Ka-Nestor. “Sige papayag ako. Kung ayan lang ang natatanging paraan para mawala na ang sanib, sige maga-alay tayo ng buhay. Ngunit hindi buhay ni Josefina, ako, ako na lang ang magbubuwis.” Tugon ni Gregor. “Sigurado ka ba?” sabi ni Ka-Nestor. “Oho.” Sabi ni Gregor. Kinuha ni Gregor ang kaniyang baril. Nagpaalam siya kay Josefina na tila wala sa pag-iisip. Tinutok niya ang baril sa kanyang ulo. “BANG!” Nagkaroon na man ng malay si Josefina dahil sa nalikhang tunog na iyon. Nakita niya si Gregor na nakahiga at wala na ngang buhay. Umiyak siya sa tuwa at pati na rin sa kalungkutan. “Anak! Nagtagumpay tayo! Napatay na natin si Gregor. Mapapasaatin na rin ang kanyang kayamanan.! Mayaman na tayo anak!” Ani ni Ka-Nestor. Sandali silang nagbunyi at umalis na rin sila Ka-Nestor at Josefina. Ngunit batid pa rin kay Josefina ang pagkalungkot at konsensya na ginawa nila kay Gregor.




          

Comments

Popular posts from this blog

To my 20 year old self

Bangkok, Thailand: My First Solo Travel